CHAPTER 191 “Zeya, wala ka bang delikadesa. Bakit ganyan ka kumilos ay magsalita.” “Ay, matapang!” “Pwede ba, Zeya. Nandito ako para kina Zacharias at Apollo, hindi para sa ‘yo kaya huwag kang makialam.” Humalakhak si Zeya sabay tulak sa balikat ng makapal ang mukha. “Bakit hindi ako makikialam, huh? Kahit nagpakasal na ako, mananatili pa rin akong Wolfgang. Kapatid ko pa rin si Kuya Apollo at tiyahin pa rin ako ni Zacharias. Eh ikaw?” Tinulak niya sa balikat. “Ang tagal niyo ng hiwalay ni Kuya di ba? Ibig sabihin, hindi ka na Wolfgang kaya kung meron man sa atin na hindi pwedeng makialam sa pamamahay na ito, ikaw iyong bitchesa. Bakit? Akala mo ba nang nag-divorce kayo ni Kuya, mananatili ka pa rin na daughter in law ng pamilyang ‘to. Kungsabagay, no’ng daughter in law ka pa pala, ang daming benefits ang nakukuha mo. Kaya ngayon, ang kapal ng mukha mo na pumunta sa opisina ni Kuya para makipagbalikan.”
Baca selengkapnya