CHAPTER 203 Isa pa, siguradong gagamitin ni Jestoni ang pagiging opisyal na Wolfgang’s daughter in law niya para maikabit ang mga Ibarra sa pamilyang Wolfgang. “Zacharias, masyadong…” “It’s okay,” putol sa kanya ni Zacharias at bumuntong-hininga. “Kung hindi mo pa gusto ngayon, naiintidihan ko. Pero sana maikonsidera mo. Maghihintay ako.” Tumango na lang si Jillian at ibinaling ang tingin sa labas. Subalit, napakunot ang kanyang noo nang may napagtanto. “Hindi ito ang daan pauwi sa atin, ah! Saan tayo pupunta?” “At the office. Sasamahan mo akong magtrabaho.” Napalabi si Jillian. Mukhang inambush siya ni Zacharias, aha! Pero sige na nga! Pagpasok nila sa opisina ni Zacharias, may pumasok na lalaking nakasuot ng suit at tie. “CEO Zacharias, Miss Jillian,” bati nito sabay bahagyang yumukod. Nginitian niya naman habang si Zacharias ay tumango sa direksyon ng kaharap nilang upuan. Umupo roon ang
Read more