CHAPTER 211 Napangiti si Rafael at tumango. Bumalik naman si Kai sa binubong LEGO Car, seryosong-seryoso ang bukas ng mukha.Nang matapos na halos lahat ng trabaho, isinara ni Zacharias ang computer, kinuha ang jacket, at tumayo. "Tara na." Tumayo naman si Kai mula sa pagkakasalampak nito sa carpet, lumapit sa Daddy at humawak sa kamay. Isinukbit ni Zacharias ang backpack ni Kai sa kanyang balikat at bago sila lumabas ng pinto ng opisina ay yumuko siya para buhatin ito. Lihim na napangiti si Kai. Lumalaki na kasi siya kaya nahihirapan na si Mommy na buhatin siya pero kay Daddy, inisang kamay lang siya para makarga. Ang lakas ni Daddy. Gusto niya ganon siya paglaki niya. “Daddy, gusto ng jollibee,” sabi ni Kai sabay angkla ng maliit na braso sa batok ng daddy. “Pagagalitan tayo ng Mommy mo nga.” “Hindi niya malalaman. Hende ko sasabehen. At sabi ng Teacher ko sa programming, pwede na akong magsimula na bumuo ng ga
Read more