CHAPTER 233 “Hoy, anong nangyayari?” kublit sa kanya ni Bella. Kibit-balikat si Jillian. “Jillian, tulungan mo na ako. Sige na.” “Hindi tayo close.” Isiniksik nito ang sarili sa kanya kaya mas lalong napanganga si Bella. “Ayan, close na tayo.” Nahilot niya na lang ang sintido sa kakulitan ni Lyndel. Parang kahapon lang minamalditahan siya nito sa opisina, ah. "May paraan ako, pero hindi ko ginagarantiya na gagana. At hindi ko rin ginagarantiya na walang side effects." “Huwag kang mag-aalala, kung mag-fail man hindi mo kasalanan.” Lumapit pa lalo ito sa kanya. “Umusod ka muna. Usod. Hindi ako makahinga,” sabi niya rito sabay wagwag ng kamay. Nakatingin lang sa kanila si Bella na parang natatawa habang nasa bibig nito ang straw ng inumin. “Okay ganito, ahm…pagselosin. Maghanap ka ng lalaki na pwedeng mong isama tapos maging sweet kayo sa harap ni Jensen.” Natahimik si Lyndel, magi
Read more