CHAPTER 251 Mas lalong nanghaba ang mga nguso ni Lyndel. Nagdadabog na umupo siya sa sofa sabay kapit sa sandalan na para bang kapag kinaladkad siya ni Jensen ay hindi siya nito basta-basta madadala. “Ayaw ko. Hirap na hirap nga akong makapasok dito kaya hindi mo ako basta-basta mapapaalis. Malay ko ba na huling beses na pala ito na kusa mo akong papasukin. Magtrabaho ka lang diyan, hindi naman kita iistorbohin. Pagkatapos ng trabaho mo, kakain tayo sa labas.” Bumuga na lang ng hangin si Jensen at binalikan ang trabaho. Hindi ito tumutol—yes! Nakalimutan niya agad ang sama ng loob at nangingiting tinitigan na lang si Jensen. Hay! Ang gwapo talaga ng fiance niya. Biglang nag-angat ng tingin si Jensen kaya mabilis siyang yumuko sa cellphone niya at nagkunyaring may tinitingnan. “Stop staring at me,” masungit nitong wika. “Hindi naman kita tinititigan. Maglalaro na lang ako sa cellphone ko,” sabi niya saka binuksan ang cellphone
Read more