CHAPTER 241“Hindi! Hindi sa ganon.” Parang gusto niyang maiyak. P utsa!, hindi naman siya iyakin pero pagdating talaga sa asawa niya ay palagi siyang emosyonal. Gusto niyang ngumawa roon kasi ang totoo ay takot siya sa isasagot nito sa kanya. Baka nga wala pa talagang itong tiwala sa kanya? Baka napilitan lang siyang pakasalan? Baka gusto lang talaga nito bigyan ng buong pamilya si Kai kaya…kaya..Naputol ang pagmo-monologue niya nang itinuwid nito ang pagkakakunot ng kanyang noo. “Hon, hindi ito tungkol sa pagtitiwala. Para ito sa katahimikan ko. Buong buhay ko, ay nagtatrabaho ako. Kahit maliit lang ang sahod, ay ayos lang. Kasi bukod sa binubuhay ako ng sahod na iyon, binibigyan din ako ng peace of mind. Kampante ako kapag may trabaho ako, kapag may sarili akong pera.” “Paano kung sa mga susunod na taon, ay hindi nga ako magtrabaho. Tapos, bigla ka na lang nawala sa amin ni Kai at ng magiging mga anak pa natin. Kapag nangyari iyon, siguradong babagsak ako
Read more