CHAPTER 268 Napahalakhak si Jillian. “Mabait naman sina Mr. and Mrs. Chang. Nakilala ko na sila minsan.” “Oo nga pero iba naman kapag girlfriend ng nag-iisang anak nila, ‘no? Tapos ang walanghiyang Xander, bumebwelo pa nga lang ako para sabihin, diniretso na niya. Sabi niya; Mom, Dad, magpapakasal na kami.” “Anong sagot?” May pakiramdam naman si Jil na positibo ang sagot ng mga magulang ni Xander pero gusto niya lang marinig ang chika. “Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, Bestie. Parang lalabas na ang puso ko sa kaba. Kulang na lang ay kumaripas ako ng takbo palabas. O kaya sumigaw ng; ‘it’s a prank po, Chairman, Madam! Buti na lang bago ko pa mapahiya ang sarili ko, tumawa si Chairman. Tumawa talaga siya Bestie kasi itong si Xander panay ang alo sa akin na huwag akong kakabahan kaya sumang-ayon din si Chairman. Sabi niya; huwag kang kabahan. Hindi kami nangangain ng tao.” “Syempre, kabado ako tapos hindi ako nakakapagi
Mehr lesen