CHAPTER 29 Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok nang dumako ang matalim na tingin ni Zacharias sa kamay ni Jensen na nakaakbay sa kanya. Wala sa loob na inalis niya iyon at inalalayan na lang sa braso ang boss niya. Bakit pakiramdam niya, nakagawa siya ng kasalanan? “Sir Jensen, tara na po,” sabi na lang niya sa boss niya para makaiwas sa nakakapasong titig ni Zacharias. Hindi pa man sila nakakahakbang paalis nang dumating ang dalawang kaibigan ni Zacharias. Namukhaan niya ang isa na Ruiz yata ang pangalan. Nandoon kasi ang lalaki nang kinuha niya ang ID at kopya ng Car Insurance sa Carshop. “Miss Aguillar, mukhang magaling kang pumili ng target,” sabi ni Ruiz habang naglalaro ang mapanghusgang ngisi sa labi nito. “Jensen Chase got some money, sure. Pero kung ikukumpara mo kay Zacharias, walang-wala siya. Siguradong, hindi ka rin pakakasalan ni Jensen Chase dahil hindi ka matatanggap ng pamilya niya.”
Last Updated : 2026-05-11 Read more