CHAPTER 48 Nasa backseat si Madam Imelda, chinichika si Jillian habang mabagal na nagmamaneho sa kahabaan ng Bonificio Global City. “Granndaughter in law, saang kompanya ka nagtatrabaho?” “Sa Chase & Co., po, La.” “Sa kompanya ni Joseph?” “Opo.” Hindi na siya nagulat na kilala nito si Chairman Joseph dahil ganon naman talaga ang mayayaman. Kilala si ganito, kilala si ganyan, sinong anak ni ganito, sinong napangasawa.. “Anong posisyon mo?” “Head secretary po ng Presidente ng kompanya.” “Wow! Sabi ko na. Magaling ka talaga!” Wala siyang nasabi sa papuri ng Ginang. “Sino pala iyong Presidente ng Chase & Co.,? Babae ba o lalaki?” “Si Sir Jensen po. “Ah! Naalala ko na! Iyong bunsong anak ni Joseph na gwapo rin pero mas gwapo syempre ang apo kong si Zacharias,” bida nito, halatang binebenta na naman ang panganau na apo. “Kumusta ang pakikitungo sa ‘yo ni Jensen
Last Updated : 2026-05-19 Read more