CHAPTER 59“Sir, o-order muna po ako inumin. Excuse me po,” wika niya at mabilis na tumayo. Ilang minuto siyang nagtagal sa counter. Nagpapanggap na pumipili kahit alam niya naman na gusto niya ay cucumber juice. Ayaw niya munang bumalik para makahalata ang boss niya na ayaw niya ng ganong usapan. Pagkatapos ng halos walong minuto ay saka pa lamang siya bumalik bitbit ang juice niya.“Jillian—”“Gusto niyo rin po ng cucumber juice? Pwede ko po kayong ilibre,” aniya nang makitang nakapangalahati na ang iced tea nito. Umiling ito at hindi na ulit nagbukas ng usapan. Mabilis siyang kumain, halos hindi na nguyain ang pinaghalu-halong beef, kimchi rice, gulay at itlog. Muntik pa siyang mabilaukan. Nang matapos ay tumayo na siya. “Sir, mauna na po ako sa office.”Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Lumabas siya agad. Nang makalayo nang konti, saka lang siya bumuga ng malalim na hininga. Pagdating niya sa Chase & Co., building, namataan niya ang pamilyar na babae.
Last Updated : 2026-05-23 Read more