CHAPTER 37 “Kuya, huwag mong pangunahan si Mama. Ayaw niya akong makita. Gusto mo bang mahigblood yon kapag nagpakita ako bahay natin?” “Matanda na si Mama. Magbabago rin ang isip niya. Pamilya pa rin tayo. Dapat magkakasundo tayo.” “Kayo lang ang pamilya, hindi ako kabilang,” wika niya. Napahilot ito sa sintido. “Hindi lang naman si Mama ang may kasalanan kung bakit hindi siya tumatawag. Ikaw rin, hindi ka rin tumatawag kaya kasalanan mo rin. Napakatigas mo kasi, ma-pride. Si Mama ang mas matanda. Siya pa ba ang magpapakumbaba sa ‘yo? Mag-isip ka naman.” “Simula noong nag-college ka, hindi ka na umuwi sa bahay. Kahit noong naka-graduate ka, hindi mo man lang naalala. Anong klaseng ugali ‘yan?” Nagtaas siya ng tingin sa kapatid at mapangutyang ngumisi. “Grabe ka naman mang-gaslight. Ako pa ngayon ang masama.” “Jillian…” May sasabihin pa sana ito nang walang emosyon na nagsalita si Kai. “Tit
Last Updated : 2026-05-15 Read more