CHAPTER 65Nag-drive siya sa pinakamalapit na mall, bumili ng simpleng blouse at slacks, nagbihis, at itinapon ang maruming damit sa trunk at saka bumalik sa opisina. Pumunta siya sa Finance Department para mag-follow ng kailangan papeles ni Sir Jensen. Pansin niya na nag-iba ang trato ng mga empleyado sa kanya.Masyadong mabait, magalang, nginingitian siya. Inalok pa nga siya ng head ng finance department ng maiinom na hindi naman nito ginagawa dati. Maging sa project department ay ganon din. Ang mas nakakagulat pa, ay ang ibang managers at executives ay kilala siya at binobola siya na magaling siya sa trabaho, ang sipag niya..Utang na loob!Nalaman niya ang dahilan nang marinig sa powder room ang usapan ng mga empleyado. Kalat na kalat daw ang nangyari sa lobby ng Wolfgang Empire. Kilig na kilig pa ang mga babae na ginaya ang sinabi sa kanya ni Zacharias na in love ito sa kanya.“Grabe, kung may magkakagusto sa akin ng katulad niya, hay!, hindi ko na pakakawalan,” kanda-tili sa kili
最終更新日 : 2026-05-24 続きを読む