CHAPTER 71[JILLIAN] “Miss Aguillar!” Napalingon si Jillian nang tinawag siya ng class adviser ni Kai nang sinundo niya ang baby niya sa school.“Hello, Ma’am.”“May sasabihin sana ako. Kahapon kasi, may pumuntang Ginang dito. Greatgrandmother daw ni Kai at gusto niyang sunduin ang bata. Hindi ko pinayagan kasi hindi niyo naman po iyon nabanggit sa amin. Sabi niya pa, huwag kong sasabihin sa inyo. Pero naisip ko, kailangan niyo pa ring malaman."“Greatgrandmother?” gagad niya."Opo. Matanda na, pero mukhang mayaman. Naka-mamahaling kotse."Agad pumasok sa isip ni Jillian ang lola ni Zacharias. May alam na si Madam Imelda, sigurado. Alam na rin ba ni Zacharias? Pero kagabi, wala naman kakaiba sa lalaking iyon, ni hindi nga nagtanong.“Thank you po sa pagsabi sa akin, Ma’am. Lola po talaga iyon ni Kai.”Nakakaintinding tumango ang teacher sa kumpirmasyon niya at bumalik na sa classroom nito. Sila naman ni Kai ay magkahawak-kamay na naglakad palabas ng gate. Pags
最終更新日 : 2026-05-25 続きを読む