“Magpalamig ka muna, Nimfa.”Nang iabot ni Zachary sa kaniya ang isang plastik ng palamig, kinuha niya iyon na may ngiti sa mga labi. “Salamat, Zachary…”“Wala ‘yon,” tugon nito sa kaniya bago umupo sa tabi niya. “Sa tagal kong nawala, ang dami na pa lang nangyari. Hindi mo pa pala ‘ko nasasagot, Nimfa. Kumusta ka? Kumusta ang buhay may asawa?”Natahimik siya sa biglang tanong ni Zachary. Isang minuto niya itong pinagmasdan bago naglayo ng tingin. Hindi niya ito matingnan nang matagal dahil sa nangyari sa pagitan nila ilang taon na ang nakakalipas.“M-Maayos naman ako, Zachary. At… maayos rin ang buhay ko kasama si Marcus,” pagsisinungaling niya.Wala siyang lakas ng loob na aminin kay Zachary ang totoo. Hindi sa wala siyang tiwala rito, ayaw lang niyang magkaroon ng gulo. Mas nanaisin niyang ilihim ang katotohanan, kaysa madagdagan ang paghihirap niya.“Parang ayokong maniwala, Nimfa. Simula kanina, wala na akong ibang makita sa mga mata mo kundi kalungkutan. Hindi ko alam kung dahil
最終更新日 : 2026-05-04 続きを読む