“Salamat po, Manang Ruby, at kahit papa’no ay ipinaranas niyo po sa ‘kin ang magkaro'n ng ina kahit sandali lang,” usal ni Nimfa nang humiwalay sa matanda.Kumunot agad ang noo nito. “Bakit, wala ka na bang ina, ma'am?”Tinuyo muna niya ang mukha bago pilit na ngumiti sa matanda. “Sabi po kasi ni tatay, namatay po siya pagkatapos niya po akong ipanganak. Kaya nagkaedad po ako, hindi man lang nakakaranas nang pag-aaruga ng isang ina. Ngayon lang po, sa inyo…” “Eh, ang ama mo, nasa'n?”“Wala na rin po siya. Wala na po akong mga magulang. Mag-isa na lang po ako sa buhay ngayon.”“Kawawa ka naman pala, Ma'am Nimfa. Hindi ko alam na mag-isa ka na lang sa buhay. Mag-isa ka na nga lang, may hindi pa magandang nangyayari sa pamamahay na ‘to,” sambit ng matanda habang nakatitig sa mga mata niya.Napalunok siya. “Ano po'ng sinasabi niyo, Manang Ruby?”“Ah, wala-wala, ma'am,” mabilis nitong bawi bago bumaling sa lamesa. “Hindi man lang nagalaw ang mga hinanda kong pagkain, lilinisin ko na ba, m
Last Updated : 2026-05-03 Read more