“Sa magkakapatid, si Roman lang ‘yong hindi iba ang tingin sa ‘kin. Simula nang makilala ko siya, parang tunay na kapatid na ang pagtrato niya sa ‘kin…”“Mabait siya, pero may pagkatsismoso nga lang.”Tumawa si Zachary. “Gano'n talaga siya. Intimidating sa una, pero kapag nakilala mo siya, mas mabait pa siya sa mabait.”Gusto sanang sabihin ni Nimfa kay Zachary iyong ginawa ni Roman sa kaniya, kung saan bigla na lang siya nitong hinapit. Pero para iwas gulo, mas pinili na lang niyang manahimik.“Nakakatuwa nga, akala ko kaaway mo ‘yong mga anak-anakan ng ama mo, pero masuwerte ka at may isa kang kakampi.”Tumango si Zachary. “Tama ka, Nimfa. Minsan nga, ipinagtatanggol niya ako sa mga kapatid niya.”“Mabuti naman kung gano'n, hindi ka nag-iisa,” aniya bago sinapo ang kaniyang tiyan. “Pero maiba sa pulong, Zachary, masakit ba manganak?” tanong niya, bahagyang natatawa.Humalakhak si Zachary, animo'y wala ng bukas. “Seryoso ka ba, Nimfa? Bakit naman ako ang tinatanong mo, eh hindi naman
最終更新日 : 2026-05-15 続きを読む