Kabanata 145Niloko si Luisa.Napapirma siya ni Carmelle sa severance agreement, pero pagdating kina Jing at Janle, umatras ito sa usapan."Ikaw... ikaw... sobra ka na!"Halos hindi na makahinga si Luisa sa sobrang galit.Sa huli, nawalan siya ng malay.Nanatiling kalmado si Carmelle. Dinampot niya ang telepono at tinawagan ang internal line ni Toni."Toni, tumawag ka ng ambulansya. May nahimatay.""Ha? Nahimatay? Totoo?"Si Mrs. Luisa Claveria?Kanina lang mukhang malakas pa ito. Ngayon biglang nahimatay sa opisina nila.Napaisip pa si Toni kung balak ba nitong pagbintangan ang boss nila at manghingi ng danyos."I'll be right there."Ayaw na ayaw ni Toni ng mga ganitong eksena.Agad siyang tumawag sa 911, saka paulit-ulit na nag-follow up.Wala pang sampung minuto, dumating na ang ambulansya.Nagkagulo sandali sa opisina habang isinasakay si Luisa.Pagkatapos ng lahat, bumalik si Toni na pawis na pawis."Boss, baka may heart problem siya.""Iwasan mo na Lang makipag-deal sa mga taong
Leer más