NANGINIG ang kamay ni Alaric, unti-unting umangat at nais na hawakan ang pisngi ni Clara nang kumurap-kurap ang mata nito—biglang nailang matapos ang sinabi saka nagpatuloy sa paglalakad.Huminga nang malalim ang binata, humigpit ang hawak sa handle ng payong saka mabilis itong sinundan. "All I thought, kay Cedric ka lang curious," mahina, halos pabulong na nga niyang sabi.Napatingin si Clara sa langit. "Well, at first… kasi part siya ng nakaraan ko. He knows me best, I guess. Pero sobrang tagal na rin, marami nang nagbago sa'kin saka 'di ko na siya matatanong pa 'pag may gusto akong malaman. But you're here, kayo ni Senyora, why should I dwell on the past? I have to move forward kasama ng mga tao na nandito pa," paliwanag niya, may munting ngiti sa labi.Napangiti na rin si Alaric, magaan sa pakiramdam na araw-araw ay may nadidiskubre siya sa pagkatao ni Clara."Grabe, ang ganda rito… pwede ba 'kong pumunta ulit dito?""Sure, anytime."Ang lawak ng pagkakangiti ni Clara, saka niya t
Magbasa pa