NANLAKI ang mata ni Clara, pinandidilatan niya ng mata ang kaibigan. Namumula na siya sa hiya, kulang na lang ay kurutin niya ito sa tagiliran. "Bumulong ka pa, naririnig ka naman.""Marami na 'kong napasukan na trabaho. Madalas part-time job kaya baka matulungan kita," sabat ni Alaric, kunwari ay hindi pansin ang sinabi ni Janice.Asiwang ngumiti si Clara habang umiiling-iling. "Ayos lang. Sige, kailangan na namin umalis at baka nakaka-istorbo kami sa'yo." Hinila na niya ang kaibigan nang humirit pa ito."Pwedeng mahingi ang contact number mo?"Napangiwi siya kay Janice, tiningnan ito nang masama. "Tumigil ka nga, nakakahiya."Binawi ni Janice ang braso sabay bulong, "Ikaw lang naman ang nahihiya."Ngumiti si Alaric at binigay ang contact number niya. Matapos ay tuwang-tuwa si Janice at sinabing tatawag kapag may kailangan.Tumango ang binata sabay tingin sa phone, may text message ang assistant na kailangan na nilang bumalik sa kompanya."Ahm… sorry, kailangan ko nang mauna," paalam
Read More