MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong tao.Unang kumilos si Ethan na humarang sa pagitan ng ina at ni Mina, hinawakan niya pa ang braso ng huli na tila ba pinoprotektahan ito.Nang makita iyon ni Clara ay bigla siyang nagtaka. "Ethan…" tawag niya, ngunit wala man lang nakarinig sa kanya."Umalis ka riyan, Ethan," ani Mina."Hindi niyo siya kailangan na saktan, Mommy," pagtatanggol nito.Namumula sa galit ang mukha ni Helena, ng mga sandaling iyon ay wala siyang ibang naiisip kundi ang ibuntong kay Mina ang galit na nararamdaman.Isa siyang ina at masakit tanggapin na sa isang iglap, ay nawalan siya ng anak. "Nang dahil sa kanya kaya wala na si Noah! Ang kapatid mo, tapos nakuha mo pa siyang ipagtanggol?!""Aksidente lang ang nang
آخر تحديث : 2026-04-23 اقرأ المزيد