KUNOT-NOO na napatitig si Ethan, hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin. "T-The problem?" pag-uulit niya."Exactly," ani Alaric, binabantayan ang reaksyon nito."Pero matagal ang annulment process," wala sa sariling sambit ni Ethan dahil naisip niyang mas mainam na bitawan ang asawa kaysa kay Mina na handa siyang tulungan.May gumuhit na kinang sa mga mata ni Alaric, kahit pabulong lang iyon ay malinaw niyang narinig na makikipaghiwalay ito kay Clara."You choose the other woman?" ani Alaric.Nabigla naman si Ethan, asiwang ngumiti. "H-Hindi sa gano'n, Sir. Pero kasi, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko, 'di pa lang kami nagpapa-annul.""Why, you still love her?"Mabilis ang pag-iling na ginawa ni Ethan. "My parents won't allow it.""Oh, complicated pala masyado. Then, I guess—""D-Don't worry!" agap ni Ethan, na napatayo pa nga sa kinauupuan. "Bigyan mo lang ako ng enough time, Sir. Sisiiguraduhin kong magiging maayos ang lahat.""Okay," ani Alaric at tinapos na ang discussio
Read more