HINILA ni Clara ang damit ni Alaric upang sunggaban ito ng halik sa labi. Naramdaman niyang natawa ang binata pero wala na siyang pakialam, malakas ang loob niya ng mga sandaling iyon.Bahagyang umungol si Alaric nang kagatin nito ang ibaba niyang labi, nabibigla siya sa ginagawa ni Clara. Malakas ang loob nito nang mga sandaling iyon at naguguluhan siya kung dapat niya ba iyong ikatuwa o ikabahala?Masiyado silang agresibo sa isa't isa, walang kontrol at ayaw magdahan-dahan.Hindi ganoon ang gusto niyang maalala ni Clara sa 'unang beses' nila.Kaya pinigilan niya ang kamay nitong kulang na lang ay punitin ang damit niya. "Calm down first," aniya habang hinihingal, saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. "We need to take it slow, hmm?"Napakunot-noo si Clara, hindi man sang-ayon ay tumango siya. Aminadong medyo agresibo nga siya ng mga sandaling iyon, tila uhaw na uhaw. "Okay."Pareho silang huminga nang malalim at nang magmulat ay muling nagtagpo ang mga mata. Puno ng emosyon at pagna
Read more