Tumawag si Ethan, nangungumusta at tinatanong kung makakarating sa birthday celebration ng ina dahil hindi pa nako-confirm ni Alaric. Kaya sinabi niyang hindi dahil busy, hindi naman sumama ang loob ni Ethan.PAGBABA ng kotse ay sumalubong agad si Janice, hinawakan ang braso ni Clara sabay bulong habang nakatingin kay Alaric, "Ba't natagalan kayo?""May pinakita lang siya sa'kin."Napasinghap si Janice, hindi makapaniwalang tiningnan si Alaric saka binalik ang tingin sa kaibigan. "May pinakita?!"Napangiwi naman si Clara, sa reaksyon pa lang nito ay alam na niya kung anong iniisip nito. "'Wag ka nga, pinuntahan lang namin 'yung lugar kung sa'n kami dati nagpunta ni Cedric. Sa bandang taas 'yun ng lugar, tapos may malaking puno. Iyon lang 'yun, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano."Naging defensive ang ekspresyon ni Janice. "May sinabi ba 'ko? Ikaw 'tong may malisya." Pagkatapos ay hinila ito sa braso. "Tara na nga at kakain na, kayo na lang ang hinihintay."Tumango si Clara sabay lingo
Ler mais