No'ng araw na 'yon, pinutol ko na lahat ng koneksyon ko sa Aravazon, kay Ark, dahil hindi ko maatim na magkakaanak siya sa ibang babae habang ako, nagmukhang kabit. Nagpaalam ako ng maayos kay Rina at Arabella at sinabing hindi na ako babalik, na si Nanay na lang ang pagtutuunan ko ng pansin.Iyong training, mission at kung anuman ang namagitan sa amin ni Ark, ibinaon ko 'yon sa limot at namuhay ng tahimik kasama si Nanay at mga pamangkin ko, saka asawa ni Kuya.Napagalaman ko kay Ate Manilyn na nakulong si Kuya dahil sa drogá, kaya ngayon, ako na ang bumubuhay sa kanila, pero tinutulungan naman ako ni Ate Manilyn sa bills dahil may sari-sari store na ito, at paunti-unti, lumalago 'yon.Bumalik ako sa dati. May natapos naman ako kaya nagsikap akong maghanap ng trabaho kahit sobrang hirap, pero kahit pala pilit mong ibinabaon sa limot iyong tao na naging parte na nang buhay mo, may mga oras na bumabalik, biglang sasagi na lang sa isip mo."Kamusta ka na?" si Rina nang magkita kami sa
Read more