Rina's POVAkala ko makakawala na ako sa mga Russian na tao, mga ibang lahi na puno ng misteryo, pero hindi pa pala. Umalis si Sir Ark, tapos malaman-laman ko lang na may bago? Iyong kapatid niyang may saltik daw, sabi ni Arabella, hindi ako, na galing sa military.Sabi ko, bakit 'yon naging saltik? Eh galing pala military? Minsan, ang gulo rin kausap ni Arabella. Pero nakakamiss si Trina, wala akong makausap dito na matino, I mean 'yong ka-vibes ko ba. Wala akong mapagsabihan ng hinaing ko sa buhay. Hindi ko naman alam kung nasaan siya.No'ng huling bisita ko sa bahay nila, walang tao, sabi nasa probinsya, sabi nagpakalayo-layo, eh hindi ko na alam, basta alam ko babalik 'yon."Rina! Nasaan ka?" Napatayo ako at napangiwi nang mauntog ako sa shelves dito sa sala."Nandito po, Ma'am Arabella." Nagtaas ako ng kamay at hilaw na ngumiti sa ginang. "Bakit po? May i-u-utos po ba kayo?"Lumapit siya sa akin. Medyo natakot ako kasi nanliliit iyong mga mata niya habang nakatitig sa akin na para
Read more