Lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit, naamoy ko na naman ang nakakahalinang bango niya, pero sa pagkakataong ito, hindi ako na-distract, kaso 'yong tingin naman niya, parang nanunuot sa kaluluwa ko.Bakit ba ganito siya makatitig sa akin? Maganda ba ako? Pwede na."Gugutumin kita hanggang bukas. No food, no water. Just you and this gûn."Pinanliitan ko siya ng mata. "Napakasama mo talaga!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba kailangang ako pa ang gumawa nito?""Because your father's enemies are already looking for you, Trina," mariin niyang sabi. "The moment you stepped into this mansion, you became a target. Kung hindi ka matututong lumaban, hindi lang ikaw ang mamamat4y, kundi buong pamilya mo."Natahimik ako. Iyong galit ko, napalitan ng takot. Hindi lang pala ito basta trip ng isang mayamang suplado. Buhay ko na pala ang nakataya rito."Fine," sabi ko habang nanginginig ang kamay na kinuha ang bar1l mula sa box. "Turuan mo ako."Ngumisi si Ark, pero sa pagkakataong ito, hindi ito pang-
Última atualização : 2026-04-29 Ler mais