Hindi siya nanggugulo, hindi siya nagwawala, at hindi niya ako pinipilit na bumalik sa mansyon. Pero araw-araw, walang talo, may delivery ng sariwang prutas, gatas para sa buntis, at mga bulaklak sa bahay namin nina Nanay. Noong una, itinapon ko ang mga 'yon, pero si Nanay na mismo ang pumigil sa akin."Anak, tanggapin mo na. Kahit ganyan ang naging buhay ng lalaking 'yan, nakikita ko ang labis na pagsisisi sa mga mata niya," untag sa akin ni Nanay habang nag-aayos kami ng mga paninda sa sari-sari store ni Ate Manilyn. "Palaging nakaparada ang kotse niya sa labas ng subdivision natin gabi-gabi. Binabantayan kayo.""Nay, ayoko lang na masira muli ang tahimik nating buhay," sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Dalawang linggo na lang, due date ko na."Hindi niya sisirain ang buhay mo, Trina. Gusto niyang maging bahagi niyan," marahang sabi ni Nanay, sabay tapik sa balikat ko. "Mahal ka niya anak, nakikita ko 'yon. Walang nagbago sa pagmamahal niya sa'yo. Hindi lang kayo nagkaunawaan
Read more