"Sigurado ka, Trina?" paninigurado pa sa akin ni Rina.Alam kong gusto niya akong pigilan, pero nandito ako para magtrabaho. Hindi ko 'to maiiwasan. Beside, I don't want to hide anymore. Masaktan na kung masaktan, wala na akong pakialam doon.Huminga ako ng malalim at siniksik sa utak ko na nandito ako para magtrabaho.I have no time for drama right now.Habang papalapit kami sa kanila, narinig ko ang malalakas nilang tawanan at tunog ng mga nagbabanggaang bola ng bilyar."I swear, Ark, huling laro mo na 'yan! Natalo mo na si Dos ng tatlong beses, maawa ka naman sa wallet ng tao!" boses iyon ni Yul.Ngayon ko na lang ulit sila nakita pagkatapos kong mahimatay noon dahil sa training.Si Lee kaya nasaan? Mukhang wala siya rito."Shut up, Yul. Hindi ako matatalo kung hindi ka nanggugulo riyan," sagot naman ng isa pang baritonong boses, si Dos, na halatang abala sa pag-asinta ng bola.Tumuloy na kami ni Rina, nakayuko bilang pagpapakita ng galang bilang mga kasambahay. Inilapag ni Rina an
Read more