Gabi na nang matapos kaming magligpit. Dahil maliit lang ang bahay, napagpasyahan na sa kwarto ko matutulog si Rina, habang si Lee naman ay doon sa sala, gagamit ng isang malambot na folding bed at mga bagong unan na binili rin niya kanina sa labas.Bago ako pumasok sa kwarto, nilapitan ko muna si Lee na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang higaan sa sala."Lee," tawag ko sa kanya.Lumingon siya at ngumiti. “Hey. Papasok ka na ba? By the way, thank you so much for allowing me to stay here.”"Wala 'yon. Ako nga dapat ang magpasalamat kasi ang sarap ng niluto mong hapunan para sa amin," sagot ko at ngumiti. Humakbang ako palapit sa kanya at iniabot sa kanya ang isang malinis na tuwalya. "Sigurado ka bang ayos ka lang dito? Kung malamig, may extra pang kumot doon sa cabinet.""I'm perfectly fine, Trina," aniya, kinuha ang tuwalya at tinitigan ako. "Actually, mas nakakatulog ako ng maayos kapag alam kong ligtas ka. Pagkatapos ng nangyari nung mga nagdaang araw... nang makita kitang nahimatay
Read more