"Oa naman sa mamatay," bulong ko, pero alam kong narinig niya dahil ang sama ng tingin niya sa akin.Hilaw akong ngumiti sa kanya, hanggang sa mapabuntong-hininga siya."Fine, I'll give you time to rest. 3am sharp, dapat nasa baba na kayo, kapag wala, sa labas kayo matutulog ni Rina."At nadamay pa nga ang kaibigan ko. Pero at least binigyan kami ng oras para makapagpahinga.Nang makabalik kami sa kwarto, tinanong ko si Rina kung may alam siya tungkol sa pagkatao ni Ark."Si Sir Ark? Misteryosong tao 'yon," sagot niya. "Ayon kay Arabella, half-Russian siya, so baka Mafia? Pero hindi niya rin sigurado. Try mo kayang tanungin? Lumambot naman siya sa'yo eh. Feel ko kasi may gusto siya sa'yo, ayaw lang niyang aminin."Inikutan ko siya ng mata. "Ayan kana naman sa pagiging assumera mo. Hindi nga 'yon magkakagusto sa akin. Matulog na tayo. Pag-o-overthink-in mo na naman ako."Tumawa siya. "Kapag talaga may kutob ako, nagkakatotoo, pero sige, matulog na tayo at gigising ka pa ng 3am.""Ako l
Read more