"Masyado naman yatang mabilis, Ares. Isa pa, huwag ngayon dahil may ilang family matters pa na dapit naming iresolba," tugon ko kay Ares."Ibig sabihin pumapayag ka? Alright, madali lang naman akong kausap, sweetheart. But I want to see you, uuwi na ako riyan." Nahihimigan ko ang excitement sa boses ni Ares samantalang ako ay kabado-bente."Mag-iingat ka," sagot ko. May sasabihin pa sana ako kaya lang pinutol na ni Ares ang kabilang linya. Nagpakawala na lamang ako ng isang marahas na buntong-hininga.Napasulyap ako sa aking dinner. Inilapag kong muli ang aking cellphone at nagpasyang magpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto. Inaasahan ko ang pagdating ni Ares mamaya.Naabutan ko sa terrace na nagka-kwentuhan sina itay, inay, Carl at Mommy. Si Adam ay kasalukuyang gumagawa ng kanyang assignment with Percy."Hija, are you done with your dinner?" nakangiting ani mommy. Kapwa napalingon sa akin ang lahat."I'm done, mom," nakangiting sagot k
Read more