LOGINHindi ko parin lubos maisip na magpo-propose kaagad sa akin si Ares. Hindi kaya... "Kailan mo ba sasabihin sa akin kung anong napag-usapan niyo ni Ares at kanina ka pa tulaley diyan?" Pukaw ni Micah sa tuliro kong diwa.Napasulyap ako rito at inilapag ang hawak na cellphone sa center glass table. Napahilot ako sa sariling sentido. "Hindi ko alam kung alam ni Dad na kasama nina Ares at Lavinia si Mr. Han pero alam mo bang sinabi sa akin ni Ares na aayain daw niya akong magpakasal sa kanya?""Yay, okray ka madam!" bulalas ni Micah, tulad ko ay hindi rin makapaniwala. "Paano na 'yan? Sigurado akong against ang daddy niyo sa ganyang usapan. Hindi boto si Tito kay Richard kaya nga pinaglayo niya dati pa ang dalawa at ngayon naman ay nagbalikan? Grabe, tindi rin magmahal nitong si Mr. Han."Saka ko naalala ang lalaking chinito na wagas kung makatingin sa akin sa isang lugar na hindi ko na rin maalala kung saan iyon. Iyon kaya si Richard Han? Nailing na lamang ako sa naiisip."What?" turan
Inaamin kong malungkot ako nang mabalitaang magkasama sina Ares at Lavinia sa pagpapagamot sa US which is suhestiyon ng aking ama. Mabuti na lamang at narito si Adam. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman kong damdamin nang una kami nitong magkita. Tila ba may humaplos ng isang matinding pagnanais na ito'y aking alagaan."Mom, are you okay? You look sad and lonely."Hay... kung alam lang sana nito na lubos akong nangungulila kay Ares. Naiinis ako sa pakiramdam na ito. Normal pa ba ang nararamdaman ko?"Adam, I'm fine. May iniisip lang ako.""Hmmm... is it dad?" Nagulat ako sa narinig mula kay Adam. At bakit naman nito itanong ang tungkol kay Ares? "Hey, bakit mo naman nasabi 'yan?" naiiling kong tanong dito."Dahil alam kong nasanay na po kayo sa presensiya ni Dad at gano'n din siya sa'yo."Nagpalinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lamang at wala si Dad. Speaking of my dad. Nasaan na kaya ito. Balita ko kasi dalawang gabi ng hindi ko ito nakasama sa dinner with Micah and Adam."Ikaw ta
"Okay ka lang ba rito?" tanong kaagad ni Micah sa akin. "I'm fine," sagot ko sa malungkot na boses. "May okay ba na malungkot ang mukha?" palatak ni Micah. Dinampot nito ang baso na may lamang lemonade. Pagdakay kumuha ng isang slice ng pizza na ako mismo ang may gawa."Hindi ko akalaing may anak pala ako," pagdakay sabi ko. Sa gulat ni Micah ay napa-ubo ito. "Are you kidding me and who told you that?" Hindi makapaniwalang turan niya sa akin."Nagulat din ako sa narinig mula kay Mommy. Napagtagpi-tagpi ko ang mga sinasabi ni itay at inay hanggang sa malaman ko nga sa mismong bibig ng tunay kong ina."Seryoso ang mukha ni Micah na nakatitig sa akin. "Are you sure na may anak ka? Kung gano'n, nasaan siya?""Si Adam," sagot ko."Ano?!" bulalas ni Micah pagdakay napalunok. "Kung si Adam, p—paanong naging anak siya ni Lavinia at Ares? And take a closer look, manang-mana si Adam sa kanyang ama. Don't tell me, sinulot kayong magkapatid ni Ares?"Hindi ko napigilan na umikot ang sariling
"Hindi ako tanga kaya nakinig ako sa instinct ko," sagot ni mommy sa akin. Kitang-kita ko ang inis at galit sa kanyang anyo. "Relax, amiga. Alam mo, imbes na ma stress ka sa mga pinanggagawa ng asawa mo ay maging kalmado ka. Baka makakasama pa sa'yo iyang pagiging galit mo. Aba, talo ka kung sakaling atakehin ka ulit sa puso," palatak ng kaibigan ni Mommy."Akala siguro ng asawa ko ay mabibilog niya ang ulo ko?" sarkastikong turan ni mommy. "Hija, I'm so sorry kung ganito ang naging bungad sa'yo pero totoo ang mga sinasabi ko patungkol sa daddy mo."Hindi nakapagtataka kung saan din nag-mana ang kapatid kong si Lavinia. Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. "I heard about something between you and Ares, hija. Ito'y narinig ko lamang sa ilang mga Marites nating kasambahay."Umusbong ang matinding kaba sa aking puso. "A—Anong narinig niyo tungkol sa amin ni Ares?" medyo nauutal kong tanong sa aking ina. Kumunot ang kanyang noo sa narinig mula sa aking tanong.
Sa ngayon kailangan kong mag-focus sa aking mga magulang, isasantabi ko na muna siguro ang nakakalitong nararamdaman ko para kay Ares. Alam kong may panahon para sa usapang puso. Pumasok kami ni Dad sa kwarto ni Mommy. Eksakto namang gising ito habang nanonood ng TV. Hindi ko maipaliwanag ang tunay na nadarama. Kakaibang saya sa aking puso. "Lavinia, hindi ko man lang nabalitaan na paparito ka pala. Kasama mo ba si Adam?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin. Nagulat ako sa naging tanong nito kaya napalingon ako kay Dad na nagtatanong ang mga mata. "Honey, nagkakamali ka. Siya ang kakambal ni Lavinia. Si Cally. Iyan ang pangalan niya na ginamit sa mga magulang na kumupkop sa kanya.""Hon, ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Mommy kay dad. "Honey, siya ang nawawala nating anak na natagpuan mismo ni Lavinia.""P—pero...p—papaanong nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy kay Dad. Awtomatikong pinakatitigan nito ang aking mukha. "S—Sigurado ka bang hindi ako dinada
Sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay tila gusto kong pigilan pero kailangang harapin sina Dad at Ares. "Come on, alam kong excited kang makita si Ares at hindi lang si Adam. Don't deny it, Cally!" Para lang akong tanga na kinakausap ang sariling isipan. Nakagat ko ang pang-ibabanglabi. Kasalukuyang nakasunod lang ako sa naturang kawaksi. Gusto kong lumihis ng daan kaya lang maging katawa-tawa ako kung gagawin ko iyon. Wala akong choice kundi ang tunguhin ang kinaroroonan ng tatlo. Habang tumatagal na papalapit na ako sa kinaroroonan nina Dad ay mas lalong nag-uumigting sa kaba ang aking puso. Hindi pa man ako nakarating ay narinig ko na ang boses nina Ares at Adam. Hanggang sa masilayan ko ang tatlo. "Narito na po si Ma'am Cally, Mr. Alegre," ani ng kawaksi at sabay na napalingon sa akin ang tatlong lalaki. Gulat ang napansin ko na rumehistro sa mukha ng aking ama. Samantalang kakaibang ningning sa mga mata ni Ares ang siya namang nabanaag ko."Mommy Cally!" Sigaw ni Adam at
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mg
WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin
Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas. "Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."Ngu
Kitang-kita ko kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama ko ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito.Paano ko nga ba makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga ako si Lavinia? Naramdamang ko ang mahigpit na yakap ni Adam sa akin. "Please mom, stay with u







