Since bumalik na si Dad sa mansion ay nangyaring hindi ako nito pinahintulutan na kausapin si Ares. Inaamin kong nakaramdam ako ng panlulumo."Mom, bakit napapansin ko you look sad? Did you miss, dad?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Adam. Ngumiti ako sa narinig mula rito. Kung alam lang sana nito ang bigat na dinadala ng aking puso. "May iniisip lang si Mommy," sagot ko rito at nakangiting ginulo ang makintab nitong buhok na talaga namang manang-mana sa ama. Pagdakay, inayos ang baonan na dapat nitong dalhin sa school."Hmmm... I like it, mom!" "Thank you, sweetie. Sigurado akong mabubusog ka sa baon mong ito. I prepared this with love and care." Niyakap ako ni Adam. "I love you, Mom.""I love you more, Adam," sagot ko rito. Inayos ko na ang sisidlan at napansin ko na ang paglabas ng driver kasama si Percy na Yaya ni Adam. "Here, mag-iingat kayo sa biyahe, ha?""Yes, mommy. Thank you for the baon po.""My pleasure, sweetie."Mabilis na hinagkan ni Adam ang aki
Read more