ZYPIER'S POV Nang makababa na kaming lahat mula sa building, halos sabay-sabay kaming napahinga nang maluwag. Ilang sandali kaming natigilan habang nakatingin sa helicopter na unti-unti nang natutupok ng apoy. Makapal na usok ang umaakyat sa kalangitan, kasabay ng sunod-sunod na pagsabog mula sa mga bahagi nito. For a moment, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Parang ngayon ko lang tuluyang naramdaman na tapos na ang lahat. Sa wakas, wala na si Kemal. Wala nang taong manggugulo sa buhay namin, wala nang kailangang takasan, at higit sa lahat, wala nang banta sa kaligtasan ng pamilya ko. Napangiti ako nang malalim. Hindi ko napigilang tapikin sa balikat sina Sean at Santos. "Thank you, guys. I owe you both a lot," seryoso kong sambit. Ngumiti lang si Santos habang bahagya akong tinatapik sa balikat. "Don't mention it. Basta ang importante, ligtas tayong lahat, at natalo natin si Kemal,"nakangiting sabi niya sa akin. "Tama si Santos, Boss. Hindi ka na iba sa amin" Sin
Read more