ZYPIER'S POVSumapit ang hapon, pinahanda ko na ang conference room para sa meeting namin ni Emilio.“Almirah, ako na ang sasalubong sa investor natin,” agad kong pigil sa Executive Assistant ko, when she was about to push the glassdoor para lalabas. Saglit siyang natigilan sa sinabi ko bago magalang na tumango.I brushed my hair back with my fingers and straightened my tuxedo suit. Nang masigurado kong maayos na ang aking itsura, I stepped out and headed straight to the lobby.Gusto ko kasing personal siyang i-welcome bago kami magsimula sa formal meeting. Bukod sa pag-uusapan namin ang business proposal, nais ko rin siyang personal na pakitaan ng pakikiramay sa pagkamatay ng kapatid niya. Malapit na rin sa akin si Yasmin, kaya alam kong hindi naging madali para sa kanya ang nangyari.Pagdating ko sa lobby, agad akong napatingin sa entrance.Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking papalapit kasama ang apat nitong bodyguards. Sa pagkakaalam ko, isa rin itong negosy
اقرأ المزيد