CONTINUES TRICIA POV'S Dahan-dahan akong naglalakad papasok sa main building. Bawat hakbang ay tila mas nagpapa bigat sa dibdib ko. Pagpasok ko pa lang, agad kong napansin ang ilang empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho. May ilan ding napatingin sa akin, marahil ay nakilala ako bilang anak ng dating may-ari. I forced a small smile and continued walking. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May hiya, lungkot, at kaunting kaba na hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa makarating ako sa reception area. "Good morning, Ma'am," bati ng receptionist. "May appointment po ba kayo?" Tumango ako. "Yes. I'm here to meet the new owner." "May I know your name, Ma'am?" "Tricia." Saglit siyang natigilan bago muling tumingin sa computer screen. Pagkatapos ay ngumiti siya ng bahagya. "Ah, yes, Ma'am Tricia. They're expecting you. You may proceed to the executive conference room. Straight ahead po, then turn left." "Thank you." Muli akong huminga ng malalim. “Okay, Tricia. Ka
Mehr lesen