NAKATANAW si Loyalty sa malawak na bukirin sa likod lamang ng kanilang bahay. "Bigla ka na lang umalis sa clinic kagabi. Nakapag-usap ba kayo ni Sir Kyle?" tanong ni Carla. "Oo, Carla. Pero iniwan ko rin siya..." "Ikaw, ano ba ang nararamdaman mo para kay Sir Kyle?" "M-mahal ko siya. Pero alam mong hindi kami puwede..." "Dahil surrogate ka niya?" "Dahil bawal at hindi namin puwedeng ipilit ang mga gusto namin," sagot ni Loyalty. Napatingin si Carla sa kanya. "Pero mahal mo siya." Tumango si Loyalty. "Oo. Hindi siya mahirap mahalin." "At mahal ka rin niya, Loyalty," sabi ni Carla. Hindi sumagot si Loyalty. Hindi niya kailangang magsalita. Alam niyang totoo iyon. "Pero may asawa siya," mahina niyang sabi. "Legal na asawa." "Pareho lang iyon, Carla." "Hindi." Napalingon si Loyalty sa kaibigan. "Para sa akin, malinaw iyon. Kahit ano pa ang nararamdaman namin ni Kyle, may papel na nag-uugnay sa kanila. At hindi ako ang taong dapat sumira noon." "Pero paano kung siya mis
Read more