登入Abby's POV Pagkatapos kung magbanyo. Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Total andiyan naman sa labas si Dominic kaya hindi na ako mag-aalala. Ewan ko ba, na-trauma na talaga ako simula ng araw na iyon. "Shit! inaantok na talaga ako" Umiling iling sambit ko sa loob loob ko. Pinikit ko ang dalawang mga mata ko at naghugas ng kamay. Medyo pinatalsikan ko pa ng konting tubig ang mukha ko para mawala ang antok na nararamdaman ko. "God! kailan pa ba matatapos ang party na ito!?? Gusto ko ng umuwi. Kumusta na kaya ang anak ko? Paniguradong hinahanap na ako non"Pag-aalang sabi ko at naisipan na kunin ang cellphone sa loob ng bag ko. Simula kanina, hindi ko pa nachecheck ang cellphone ko. Parang ayoko kasing makagawa ng kilos sa tabi ni Dominic kaya pati pagtingin sa sariling cellphone ko. Hindi ko magawa. Tila ba parang estatwa lang ako lagi tuwing kasama ko siya. "Tama nga ako," Napatango tango na sabi ko ng makitang may anim na missed calls galing sa kapatid ko. Ala
Abby's POV Pasado alas dose na ng hating gabi pero patuloy pa rin ang party. Medyo marami na ang nakainom at mga lasing sa paligid. Gaya ng sinabi ni Dominic. Simula kanina hindi talaga ako umalis sa tabi niya. Kasalukayang nag-iinom sila ngayon ng mga kaibigan niya. "Yeah, that's true! ewan ko ba dito kay Sebastian bakit hindi pa nag-asawa! Gusto ko ng makakita ng apo sa kanya" Rining kong tawanan na saad ng isa mga kasamahan nila. Ang Sebastian na tinutukoy nito ay iyong lalaking tumulong pala sa akin. Dahil sa kwentuhan na narinig ko mula kanina. Ngayon ko nalaman na matalik pala itong kaibigan ni Dominic. kasing edad niya lang din ito kaya siguro naging magkaibigan sila. "Daddy it's not my thing you know that" Rining ko namang sagot ng lalaking si Sebastian at tumingin ito sa gawi namin ni Dominic. Huminto ang tingin nito sa akin pero mabilis din naman niyang binawi. Mula kanina, siguro pang anim na sulyap niya na ito sa akin. Ayokong mag assume or mag isip ng kung ano ano
Abby's POV "I know you already remember her right??" Rinig kong tanong ni Dominic. Tumango tango ang lalaking kausap nitohabang nakatingin sa akin. Nong una parang napipilitan lang ang pagtango nito subalit kalaunan nakita kong ngumiti na ito sa akin. "Of course I remember her. Hi Ms??" "A-abby, Abby Dela Merced" Pakilalang sagot ko at nginitian din ito. Nang marining niya ang pangalan ko mas lumawak pa ang ngiti sa labi nito. "Mabuti naman at hindi pala ito suplado" Nakahinga ng maluwag na sabi ko sa loob loob ko. Kanina kasi parang pinagdikit din ang mga pusod nila ni Dominic. May angking pagkasuplado rin ito ng unang makita ko pero mas naman pala ang pagkasuplado ni Dominic sa kanya. Si Dominic kasi parang typical at normal na normal na sa kanya ang pagiging suplado niya. Dagdagan pa ng mabagsik at laging nakakunot na noo nito. Kahit sinong tao, makakasabi talaga na masama ang ugali nito. "Hi Ms. Dela Merced nice to meet you again" Naglahad ito ng kamay sa akin. Hindi ko a
Abby's POV "Se-senator sa-saan po ba tayo pupunta??" Basag sa katahimikan na tanong ko. Kasalukayang nakasakay kami sa kotse niya at kanina ko pa gustong itanong sa kanya kung saan kami pupunta. Pagkatapos ko kasing mag-ayos ng sarili. Wala naman itong nabanggit sa akin. "Sa birthday ng kaibigan ko" Tipid na sagot nito at nanatiling nakafocus ang mga mata sa daan. Tumango tango ako at ibinalik sa bintana ang mga mata. Siguradong isang politiko o mayamang negosyante ang kaibigan nito kaya ipikit ko na lang ang mga mata ko. Masusubok na naman mamaya ang tapang at hiya ko. Sa buong buhay ko, ito palang ang pangalawang beses na makadalo ako sa isang engrandeng events. Dati, gustong gusto kong malaman kung paano ma experience ang dumalo sa mga ganito. Buong akala ko, maeenjoy ko. Subalit mali pala ako. Isang nakakabagot at nakakaantok pala ang mga ganitong kasiyahan. Maliban sa masasarap na pagkain at mamahaling mga alak. Wala ng iba pang interested na mga gawain. "Nilalamig ka ba?
Abby's POV Nanginginig ang kamay na pinatay ko ang TV. Pagkatapos kung patayin. Naiinis na hinagis ko ang remote sa ibabaw ng sofa sabay napasapo sa aking noo. Hindi ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng matinding galit at panliliit sa sarili ko. Siguro dahil nasasaktan ako at hindi ko naman magawang magalit kay Dominic kaya napunta ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa sarili ko. "Shit!" Murang sabi ko at hinawakan ang naninikip na dibdib ko. Supposed to be dapat sanayin ko na ang sarili ko pagdating sa bagay na ito subalit hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko. Nasasaktan pa rin ako. Simula umpisa pa lang alam ko na maaring mangyari ito. Kahit baliktarin ko pa ang mundo at pilitin ang mga bagay bagay. Hindi ko pa rin mababago na isang hamak lang na kabit ako. Walang babaeng pinapangarap na mapunta sa ganitong buhay. Dahil kahit gustuhin kung makatakas. Hindi ko na magagawa ito. Kaakibat na ito ng buhay ko hanggang dulo. "Siguro kong may ibang paraan lang nong panaho
Abby's POV Pagkatapos naming Kumain ni Senator Dominic. Unang tumayo ito dahil tumunog ang cellphone niya. Hindi ko alam pero natapos nalang ang pagkain namin. Walang ni isang may kumibo sa amin. Gusto ko sana siyang tanungin kung paano niya ipinaalam sa Kapatid ko na andito ako ngayon pero sa tuwing maalala ko ang sinabi nito kanina at kasalukayang porma ko. Nilalamon na ako ng sarili kong hiya. Sobrang nipis kasi ng kumot at sigurado akong kitang kita niya ang masisilang parte ng katawan ko. "Okay, I got it, in 20 minutes andiyan ako" Nagulat na napalingon ako. Kababa lang nito ng kanyang cellphone. "Ma-may la-lakad po kayo??" Hindi mapigilang tanong ko. Tumayo ako sa kinauupoan ko at hinarap ito. Apat na hakbang mula sa akin ang pagitan namin pero pakiramdam ko. Nasa gilid ko lang ito. Tumango ito. "Finally!!" Maluwag na sambit ko sa loob loob ko. Ibig sabihin makakauwi na rin ako. "Ah se-senator pwede na po ba akong u-" "No! you need to stay here Abby. May pupuntahan ta







