"Wala, bilisan mo at gutom na ako." Masungit na tugon ni Camela sa binata saka humalukipkip sa kina upuan."Ok my lady, your wish is my command." Kumindat pa siya sa dalaga ngunit inirapan lang siya. Pambihira, siya dapat ang galit ngayon dahil nabitin. Ngunit nawala ang init ng ulo niya sa isiping ang luto lang niya ang gustong kainin ng dalaga. Hindi pa siya nakapag luto ng ganoong pagkain pero madali lang naman siguro at prito lang."Kailangan mo ba ng tulong, hijo?" tanong ni Jinky sa binata na nasa harap na ng kalan."No po, kaya ko na ito." Mukhang mayabang na isinalang na ni Rashed ang kawali sa kalan na may sindi na."Hinaan mo lang ang apoy, hijo." Puna ni Jinky bago tumalikod upang ayusin ang lamesa at naroon na ang tatlong naghihintay ng pagkain. Hindi niya alam kung alam na ba ng dalaga ang kalagayan nito at sinasadyang pahiram si Rashed? Ayaw niyang pangunahan ang mga ito kaya hinayaan na niya."Shit, tama ba ang ginawa ko?" bulong ni Rashed nang mahango ang hotdog. Gust
اقرأ المزيد