Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 162-Ang buhay ni Rex

Share

Chapter 162-Ang buhay ni Rex

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-07-06 19:43:27

Napaurong si Darel dahil nakaka intimidate ang aura ng binata ngayon. Ang laki ng pinag bago nito at marunong na lumaban bilang lalaki. Mukhang hindi na rin ito lampa. Namura niya ang sarili, sa kagustohang ipahiya si Rex sa pamilya ng babaeng pinupormahan nito ay naisip niyang sundan kanina. Pero ngayon ay masabi niyang mali ang kaniyang ginawa. Nakalimutan niya na ayaw ng kaniyang ina ipaalam sa lalaking ito na hindi maganda ang kalagayan ni Joseph. Hindi dapat magkaroon pa ng ugnayan ang dal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
LV Villarino
thank you sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAINTED LOVE   Chapter 163-Paggising ni Camela

    "Rex, alam ko na nasa hospital din ang daddy mo. Dalawin mo muna siya at ok lang ako dito." Kausap ni Edlyn sa binata. Saka lang naalala ni Rex ang ama at biglang kinabahan. Bakit ba sumabay pa ito ngayon sa nangyari? Isang buntong hininga ang pinakawalan niya saka tumayo. "Babalik agad ako."Pilit na ngumiti si Edlyn sa binata at tumango. Naipag dasal niya na sana ay ok lang ang daddy nito. Ayaw niyang matulad sa kaniyang kalagayan ngayon ang binata dahil masakit ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung parents mo ito.Nagpaalam din si Rex sa ama ni Edlyn at hindi na naglihim dito tungkol sa kalagayan ng ama niya."Go ahead at mas kailangan ka ng iyong ama ngayon. Huwag kang mag alala kay Edlyn at narito ako." Pagtataboy ni Darwin sa binata."Thank you po, sir, babalik din po agad ako." Nagmamadali ng umalis si Rex at tinahak ang daan pabalik sa hospital. Mabuti na lang at iisang hospital ang pinagdalhan sa ama niya at sa kinaroonan nila Camela ngayon. Habang nagmamaneho ay tinaw

  • TAINTED LOVE   Chapter 162-Ang buhay ni Rex

    Napaurong si Darel dahil nakaka intimidate ang aura ng binata ngayon. Ang laki ng pinag bago nito at marunong na lumaban bilang lalaki. Mukhang hindi na rin ito lampa. Namura niya ang sarili, sa kagustohang ipahiya si Rex sa pamilya ng babaeng pinupormahan nito ay naisip niyang sundan kanina. Pero ngayon ay masabi niyang mali ang kaniyang ginawa. Nakalimutan niya na ayaw ng kaniyang ina ipaalam sa lalaking ito na hindi maganda ang kalagayan ni Joseph. Hindi dapat magkaroon pa ng ugnayan ang dalawa o magkaayos hanggang sa mawala ang amain."Hindi pa ako tapos, jerk!" Galit na dinuro ni Darel ang lalaki saka tumalikod.Alam ni Rex na hindi sasabihin sa kaniya ng lalaki kung saang room ang ama niya kaya inalam na lang niya. Wala sana siyang balak pang magpakita sa ama pero dahil sa sinabi ni Darel ay nagising ang rebelde niyang pagkatao. Bumalik muna siya sa room at kailangan magpaliwanag kina Edlyn."Hijo, wala kang dapat na ikahiya tungkol sa issue sa pamilya mo. Tulad ng pamilya ko ay

  • TAINTED LOVE   Chapter 161-Pagpupuyos ng kalooban ni Rex

    "Rex, is that you?" Sandaling napatulala si Rex na nakatitig sa kaniyang step-brother. Ilang sandali pa ay nangunot ang noo niya. "What the hell are you doing here?"Ngumisi si Darel at pinakatitigan ang babaeng nasa tabi ni Rex. Kinabig ni Rex sa baywang ang dalaga upang ipakira kay Darel na pag aari niya ang babaeng pinakatitigan nito. Matalim na mga titig ang ipinukol niya rito nang magsalubong ang kanilang mga tingin."Hindi mo ba ako ipakilala sa magandang dilag na nasa tabi mo?" Nakangisi pa ring ani Darel.Mariing nag lapat ang mga labi ni Rex at naikuyom ang mga kamay. "Bastard, get out at hindi ito public place para gumawa ka ng eksina! Nakakagambala ka rin sa pamamahinga ng pasyente!" Halos pabulong na angil niya kay Darel.Saka lang parang natauhan si Darel na private room ang kinaroonan niya nang mapatingin sa hospital bed. Nawala sa isip niya na nasa hospital siya at basta na sinundan ang babaeng tinuro ng kaibigan kanina na nakita nitong madalas umano kasama ni Rex. Na

  • TAINTED LOVE   Chapter 160-Struggling

    "Tinurukan ko muna siya ng pampatulog at kailangan niya ito." Paliwanag ng doctor matapos masuri si Camela. "Kapag nagising siya, alam kong mahirap dahil sa nangyari sa isa ninyo sa mahal sa buhay, pero subukan po ninyo na huwag ng malungkot sa harapan niya." Payo ng doctor sa mga naroon.Sumang ayon ang lahat maging si Darwin. Tama nang isang mahal sa buhay nila ang nawala. May inosinteng bata rin ang madadamay kapag hindi sila nakinig sa doctor. Inilipat na si Camela sa private room at ang asawa niya ay hinayaan na niyang kunin upang linisan at bihisan."Malagpasin din natin ang lahat ng ito!" Mahigpit na hinawakan ni Luna ang kamay ni Darwin.Pilit na ngumiti su Darwin at muling nag init anv sulok ng nga mata. "We will po, mom. Please take care of yourself at pasensya na kung nagpapakita ako ng kahinaan ngayon." Yumuko siya upang mayakap ang ginang.Malungkot na ngiti ang humulma sa labi ni Luna at tinapik tapik sa balikat ang manugang. Alam niyang sobrang mahal nito ang anak niya

  • TAINTED LOVE   Chapter 159-Hinagpis

    Napayuko ng ulo si Luna at tahimik na umiiyak. Pilit niyang kinu control ang emotions at hindi siya maaring bumigay. Ayaw niyang dagdagan ang alalahanin ng mga apo. Kailangan niyang pakatatag sa mga oras na ito para sa naiwan ng anak niya. Ang sakit at nauna pang nawala sa mundo ang nag iisa niyang anak. Wala ng sasakit pa ang mawalan ng anak. Pero alam niyang masaya ang anak sa paglisan sa mundong ito. Kung wala ang mga apo ay baka mas gustohin na lang din niyang sumunod na sa anak.Mabilis na tumayo si Edlyn at ang abuela naman ang nilapitan. Kailangan niyang pakatatag katulad sa bilin ng ina. "Lola, no more pain for mommy!"Hilam ng luha ang mukha ni Luna nang umangat iyon saka pilit na ngumiti. Tama, hindi na makaramdam pa ng sakit ang anak niya. Alam niyang lagi itong hirap sa puso nito pero hindi dumadaing sa kanila.Ikinalulungkot ko pong muli ang pagkawala ng isa sa mahal ninyo sa buhay." Ani ng doctor na nakatayo lang at naging alerto sa kalusugan ng naiwan ng pasyente kaya s

  • TAINTED LOVE   Chapter 158-Good and Bad news

    "Kumusta po ang kapatid ko, doc?""Kumusta po ang pasyente?"Magkapanabay na tanong nila Rashed at Edlyn sa doctor.Nagpalipat lipat ang tingin ng doctor sa dalawang kaharap na nag tanong bago sumagot. "Dahil sa stress at kulang sa pahinga ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang malay. Kung maari ay iiwas ninyo siya sa problema at huwag malungkot dahil nakakaapikto sa pagbubuntis niya.""Buntis?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Edlyn sa manggagamot.May hinala na si Rashed tungkol sa kalagayan ng dalaga pero na overwhelmed pa rin siya nang marinig ito mula sa doctor. "Sorry, ang akala ko ay alam niyo na dahil she's more than two months pregnant." Naging apologetic ang doctor at hindi niya na congratulate ang relatives bago sinabi ang magandang balita."Its ok, doc, thank you so much!' Nakangiting pasalamat ni Rashed sa manggagamot. Ang saya niya at tama nga talaga ang research niya about her condition. Pero ilang sandali pa ay nagulat siya nang may kamay na tumama sa batok niya.

  • TAINTED LOVE   Chapter 32-Panggagatong

    Sa opisina, galit na ibinagsak ni Clarisa ang hawak na papel sa lamesa nang marinig ang sinabi ng kaniyang assistang na si Amalyn. "Hindi ako makakapayag na mapalapit siyang muli sa anak ko!""Tama po iyan, Chairwoman. Baka sa pagkakataong ito ay hindi mo na sila magawang paghiwalayin pa kapag hina

  • TAINTED LOVE   Chapter 20

    "Senyora, handa na po ang lamesa." Tawag ni Lourdes.Nagbuntong hininga si Luna at nakahinga nang maluwag dahil naputol na ang tension sa pagitan ng apo at amain nito. Tinawag na si Camela. Disappointed siya sa mga narinig at hindi masisi si Camela kung naging arogante ito sa pag sagot. "Apo, tara

  • TAINTED LOVE   Chapter 7-Pagmamakaawa

    Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin

  • TAINTED LOVE   Chapter 6-Masayang alaala

    "Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status