Naikuyom ni Cheryl ang kamao at gustong sabunutannsaka murahin si Edlyn. Pero mabilis niyang naawat ang sarili. Hindi siya dapat maging bayolente lalo na sa harapan ni Rex. Pilit siyang ngumiti saka huminga nang malalim. "Edlyn, alam ko na ayaw mo pa rin sa akin dahil hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Alam ko rin na wala kang alam pag dating sa high society kaya naintindihan ko kung bakit nasabi mo ang bagay na iyan.""Oh, sorry din pero nagsasabi lang ako ng totoo." Mukhang nalulungkot ang tinging ipinukol kay Cheryl pero sarkastiko ang dating ng tono ng pagkasabi niya."Its ok, sorry is accepted. Naintindihan ko na nainsulto ka sa sinabi ng boyfriend ko kaya gumanti ka." Nakakaunawang ngumiti si Cheryl kay Edlyn."Well, paalala ko lang pala sa iyo na wala sa estado ng buhay kung gustong matutong magluto at gawa ng gawaing bahay. Nasa parents iyan kung paano palakihin ang anak at nasa iyo kung piliin mong maging masipag o hindi." "Sinasabi mo bang tamad ako?" Napikon na
Leer más