"Late na ba ako?" nakangiting tanong ni Josephine pagka pasok sa conference room. Nagsalubong ang mga kilay ni Rex pagkakita sa ginang at nahulaan niya kung bakit ito naroon. Na explain na sa kaniya ni Anton ang tungkol sa papel nito sa kompanya at hindi niya papayagang mangyari iyon."Good morning, Mrs. Lopez!" bati ng mga naroon kay Josephine.Ngumiti si Josephine sa mga naroon saka nag pasalamat. "Thank you everyone, I'm here today upang pag usapan na rin ang pag take over ko sa posisyon as chairman of this company."Nagkatinginan ang mga naroon, matagal na nilang pinag iisipan ang tungkol doon lalo na at walang kasiguradohang magising pa si Fausto."Who are you to decide and put yourself in this position?" Aroganting tanong ni Rex sa madrasta.Natigilan si Josephine at hindi napaghandaan ang ganoong tingin ni Rex. Ang akala niya ay itatago nito ang ganoong ugali sa kaniya kapag nasa harap ng mga kilalang tao sa kompanya."Rex, baka naka limutan mong siya ang asawa ng iyong ama."
Read more