"Oh, don't be nervous at isipin mo na lang na sign contract as worker ang pipirmahan mo mamaya upang hindi ka kabahan na matali na ang pangalan mo sa nobyo ko ng ilang taon." Nakangiting payo ni Edlyn kay Grace. "Kapag ikaw na ang ikakasal ay saka mo lang maintindihan ang nararamdaman ko." Giit ni Grace sa salitang kasal.Napalabi si Edlyn at parang batang tumingin kay Rex. Pinakita niya sa binata na nagseselos siya dahil ikakasal ito kay Grace at pinaaalala pa ng babae."Grace, huwag mong kalimutan na ikakasal lamang tayo sa kasulatan at huwag mo nang ipangalandakan dahil walang dapat ika proud sa bagay na iyan." Pagalit na sita ni Rex sa babae saka sinubuan ng pagkain si Edlyn."Sorry, Rex, pero hindi ko intention na saktan o pag selosin si Miss Edlyn ." Nahihiyang paanas na sagot ni Grace. Nagyuko siya ng ulo at inabala ang tingin sa pagkaing nasa plato. Hindi siya nag abalang tumingin kay Edlyn at tiyak na pinagtatawanan siya nito."Mamaya ay ihahati ka ng service sa hotel na uto
Read more