"Tita,"Luhaang nag angat ng tingin si Clarissa at nagmamakaawa ang titig na ipinukol kay Edlyn."Tita, halika po." Tinulungan ni Edlyn ang ginang na makatayo at inakay itong makaupo sa sofa."I'm sorry!" Hilam na sa luha ang mukha habang nakatitig kay Edlyn.Napaluha na rin si Edlyn at awang awa sa ginang. Natuwa siya sa nakikitang pagsisisi sa mga mata nito. Pero hindi niya alam kung paano pagaanin ang loob nito ngayon."Tulungan mo ako, Hija." Nanginginig ang mga palad ni Clarisa na ginanap ang kamay ni Edlyn.Tikom ang bibig na tumango si Edlyn. Kahit hindi bigkasin ng ginang ay naunawaan niya kung ano ang pinapakiusap nito sa kaniya."Tita, kailangan niyo pong huminahon muna. Hindi ko rin alam kung paano pero magtulungan po tayo upang maitama ang lahat at mapatawad ka nila."Nagkaroon ng kaunting pag asa si Clarissa na maitama ang malaking pagkakamali sa nakaraan dahil kay Edlyn."Hindi pa po huli ang lahat. Ang kailangan lang po nating gawin ay mapalambot ang puso ni Camela. Sa
اقرأ المزيد