"Akin negosyo ay lalawak dahil iyo, Camela," puri ni Go sa dalaga sa isipan lamang. Kung ano ang iniisipng ginoo at binabalak ay ito lang ang nakakaalam.Unang kita pa lang ni Go kay Rashed ng personal noon ay naisip na niya si Camela at ang kambal. Lalong lumakas ang kutob niya nang mapansin na hindi komportable si Camela kapag kaharap ang binata at mukhang galit din sa isa't isa ang dalawa kung magpalitan ng tingin. At ngayong nakumpirma ay masaya siya.Kinabukasan, maagang bumisita si Miles sa mansyon nila Rashed. Alam ng ina nito na darating siya at doon mag aalmusal. At tulad ng dati, wala na naman si Rashed at hindi doon natulog."Tita, nabalitaan kong sumama sa ibang lalaki noon si Camela, totoo po ba?" tanong ni Miles habang hinahalo ang kape.Sandaling napatitig si Clarisa kay Miles. "Tama ka sa mga narinig mo. Kasalanan ng babaing iyon kung bakit tumabang na sa ibang babae ang anak ko."Nakagat ni Miles ang loob ng bibig saka malungkot na ngumiti sa ginang. "Paano na po kun
Read more