"Gagawin ko ang lahat, kung hindi man mag match ang bone marror namin ay maghahanap ako sa ibang bansa." May diin ang bawat katagang ani Rashed. Kahit maubos ang pera niya ay gagawin niya, gumaling lang ang anak."Papa, inaantok na po ako."Mabilis na pinunasan ni Rashed ang luha sa mga mata nang marinig ang tinig ni Lindon mula sa playing room. Agad niyang nilapitan ito at binuhat. Maaga pa para matulog pero dahil mahina ang katawan nito ay madaling magupo ng pagod.Sumunod si Camela sa silid at inayos ang higaan. Magkakasama sila ng anak sa silid na iyon at kaysa silang apat roon. Ayaw naman niyang iwan kay Rashed ang dalawa sa pagtulog dahil hinahanap siya ni Lindon kapag nagigising ito ng alanganing oras.Agad na tumabi si Rashed sa anak at niyakap ito. Kung puwede lang na hindi na ito mawalay sa kaniyang tabi. Lalo siyang natuwa nang sumampa na rin sa kama ang isa pang anak at yumakap na rin sa kaniya. Si Camela ay hindi niya alam kung saan matutulog. "Papa, hindi mo na po kami
اقرأ المزيد