Pagkarating ni Camela sa bahay ay nasa silid pa ang kambal. "Mga anak, bilisan ninyo at naghihintay ang Tito Tyler sa labas." "Coming, mommy!" Magkapanabay na lumabas ng silid sina Ralph at Lindon.Nakangiting sinalubong ni Tyler ang kambal nang makita ang paglabas ng mga ito ng gate. Masaya siya at komportable sa kaniya ang dalawang bata. "Tito, kakain po ba tayo sa labas?" tanong ni Ralph."Yes, you can eat all you want." Hinalikan niya sa pingi ang dalawa at marahang ginulo ang buhok.Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Camela habang pinapanood ang pagtatalon mg kambal dahil sa tuwa. Ngayon niya ramdam ang pagiging mahirap nilang mag ina noon. Nakain naman ng mga ito ang pagkaing gusto. Pero ang pumunta sa mamahaling restuarant ay hindi pa nagawa. Bukod nasa malayo siya noon, talagang gipit siya noon dahil maraming dapat unahin na pagkagastusan."Let's go?" pukaw ni Tyler sa biglang pananahimik ni Camela. Ang kambal ay nakaupo na sa backseat. Ngumiti si Camela sa binata at
続きを読む