"Camela, I'm sorry, please bumalik ka na sa akin!"Gusto niyang makita ang hitsura ng lalaki at bakit humihingi ng tawad sa kaniya. Nagpalit siya ng maluwag na t-shirt at maong short ma lagpas tuhod ang haba. Kung anong sapatos lang ang unang nakita ay iyon na ang isinuot. Tulog na rin naman si Nanay Jinky at mga anak kaya hindi na siya nagpaalam na aalis.Sakay ng motorcycle, binaybay niya ang daan patungo sa kinaroonan ni Rashed. Wala nang traffic sa daan kaya wala pang isang oras ay narating na niya ang beer house. "Salamat po ma'am at dumating kayo. Kailangan na rin po kasi naming magsara. Naawa naman akong ipakuha siya sa mga pulis at mukhang hindi siya sanay matulog sa matigas na higaan." Salubong ng staff kay Camela.Ngumiti lang si Camela sa lalaking kausap kanina sa cellphone. Nagpatulong siya rito na ilabas si Rashed hanggang sa kaniyang sasakyan."Damn, paano kita isakay ngayon?" inis na tanong ni Camela sa sarili. Hindi niya puwede iangkas ito sa kaniyang motor dahil ha
اقرأ المزيد