Therese Lopez POV Buong magdamag kong inisip ang utos ni Leandro. Pagdating ng Sabado ng umaga, wala na akong nagawa kundi iimpake ang iilang piraso ng aking mga damit at gamit mula sa maliit kong apartment. Maaga pa lang ay may dumating nang dalawang lalaking naka-uniporme ng Sandoval Logistics upang hakutin ang aking mga kahon. Sumunod ako sa kanila sakay ng isang itim na kotse na ipinadala rin ng kompanya. Huminto kami sa isang high-end, modernong apartment complex na limang minuto lang ang layo mula sa Sandoval Tower gamit ang paglalakad. Ang buong gusali ay gawa sa salamin at semento, may mahigpit na biometrics sa lobby, at halatang para sa mga elite executives lang. "Dito po kayo, Ma'am Therese. 12th floor, Penthouse B," sabi ng chief security ng gusali habang iginagaya ako sa elevator. Nang bumukas ang pinto ng unit ko, halos malaglag ang panga ko. Napakalawak ng espasyo. Minimalist ang disenyo na pinaghaharian ng kulay gray, puti, at itim. May glass-topped dining table, ma
Last Updated : 2026-05-17 Read more