"Low batt na ang cellphone ko," sagot ni Kiana nang tanungin siya ni Drake. Mag-iisang oras na silang naroon, stranded sa sasakyan. Malakas pa rin ang ulan at wala pa ring dumaraang sasakyan, pero hindi niya alam kung bakit hindi na siya nakakaramdam ng takot. Ah, siguro dahil kasama niya ang binata. Alam niya at natitiyak niyang hindi siya nito pababayaan kung may masama mang mangyari sa kanila. "Wala ring signal ang cellphone ko, pero nakapag-send naman ako kanina ng text para humingi ng tulong," sabi nito. Nasa backseat siya habang nakaupo naman si Drake sa driver's seat. "I'm sorry, Kianna," narinig niyang paghingi nito ng tawad. "Okay lang. Hindi mo naman kasalanan," aniya. Nakangiting sumulyap ito sa kanya. "Really? Hindi ka disappointed?" Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi." "Talaga?" "Oo." "As in, hindi ka naiinis?" "Oo nga." Natatawa niyang sagot dahil sa kakulitan nito. Nagbuga ito ng hangin. "Akala ko galit ka," anito habang nakatingin sa kan
Magbasa pa